Ang mahal na araw ay pinaka sagradong linggo na kung saan ay maraming panata tayong mga Pilipino na ginagawa upang gunitain ang paghihirap ni Hesus sa kamay ng mga hudyo na tinalikuran siya bilang isang tagapagligtas. Ang panahong siya ay pinahirapan hanggang sa mamatay at walang kaawa-awang ipinako sa krus.
Ilan sa mga panata o debosyon na ating ginagawa ay ang sinasabing paghahampas dugo na maglalakad ng malayo at hahampasin kung may pabasa sa isang lugar na siyang sinasabing pagbabawas ng kasalanan o pagpepenitensiya tuwing mahal na araw ay isa sa panata na nakagawian na sa ating bansa tuwing mahal na araw. Ang pagpapasan ng krus na tulad ng ginawa ni Hesus nang lumakad siya na halos patayin ng mga taong nakasunod sa kanya at pinapalo din ay isa din sa ginagawang gunitain ng mga Pilipino.Kung kaya’t sila ay nagpapasan ng krus upang mabawasan ang kanilang kasalanan. Ang pagtitiis sa init nang araw ng mga tao ay sadyang kakikitaan natin kung paano nga ba naghirap si Hesus noong siya ay parusahan ng mga tao. Kung mahal na araw naglalakad tayo bilang isa rin sa penitensya o debosyon sa mahal na araw na sumisimbolo sa mga kalbaryo na dinanas ni Hesus para rin sa atin. Ginagawa natin lahat ito upang pagsisihan ang ating mga nagawang kasalanan. Upang matuto tayong magtiis sa paghihirap.
Nakalipas na naman ang mahal na araw. Tuloy ang ating pagsuong sa pagsubok ng buhay. May naiwan ba sa ating isipan na siyang patungkol sa pagbabago o lumipas lamang ba ang mahal na araw na wala tayong ginawa kung hindi mag pakasaya sa bakasyon?